Saturday, July 12, 2008

ang huling liham...


isa, dal'wa, tatlo... bawat minutong naalabi, binilang ko. pinagmamasdan ang paggalaw ng mga kamay ng orasan. pinilit pakinggan ang mga tinig sa kawalan. patuloy na umaasang may darating bago ako lumisan. tatlo, apat, lima... mga multo ng nakalipas bigla kong naalala. 'di ko napigilan ang pagluha ng mga mata. ang sarili, sa salamin, ay aking nakita. isang taong palalo, minsan nang pinaasa, minsan nang kinalimutan at iniwang mag-isa.

lima, anim pito... nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso. bagamat may kaba at takot, pinilit kong tumayo. minsan pang sa liwanag ay ngumiti, bago sinarhan ang pinto. sa malamig na sahig, ako'y biglang napaupo. at sa pagbagsak ng bakal sa semento, sumandal sa pinto. pito, walo, siyam... ramdam ko ang yabag sa likod ng sinasandalan, rinig ko ang mga sigaw, ngunit di ko maunawaan. dumating ang hinihintay, ngunit huli na para pigilan. makakamit na din ang minsang hinangad na katahimikan, wala na ang sakit, wala nang nararamdaman. siyam at sampu... sana'y inyong maunawaan na ito'y aking kagustuhan. ngayun lang , sa buhay ko, inisip sariling kaligayahan. di ko na kailangan ipaliwanag ang aking sarili, ninais ko lang makawala sa kalungkutang kumukubli. at kahit wala ako, patuloy ang pag-ikot ng mundo.