Sunday, August 10, 2008

sinayang na kaarawan...

 silbi ng mga binitawang salita? Anong saysay ng mga pangakong pinagkatiwala? “Madaling sabihin, mahirap gawin”, ayon sa talinhaga kaya tulad padin ng dati, paghihintay nagbunga sa wala. Ang kaawaawang bata, nilunod ang diwa sa luha. Habang patuloy naghintay, inabot hanggang umaga. Dahil noo’y kanyang kaarawan, pilit paring umasa na ang mga taong nangako, nawa ay makaalala. Kinausap na s’ya ng mga taong malapit sa kanyang puso. Patuloy na pinayuhan na sa buhay ay huwag susuko. Pinayuhang huwag masyadong dibdibin mga pangakong napaso. Aniya’y mga ito’y mula sa mga walang kwentang tao. Siya naman ay nakinig at tinanggap ang mga payo, pero para mga ito ay ‘di ispin, yan ay ‘di pa n’ya maipapangako. Maaring kayo’y nagalit sa mga sagot n’yang may sarkastikong tono Maaring kanilang napagtanto, na ang henyo isa din palang bobo. Paano n’ya makikita ang liwanag na inyong sinasabi kung ang kanyang mundo sa dilim ay nakakubli. ‘Wag nyong isipin na sa kalungkutan n’ya ninais mamalagi Dahil kahit anong tanggi, minsan din n’yang ninais ngumiti. Minsan din siyang nangarap na mga suliranin ay mapawi, Magkaroon ng pagkakataon na tanging kaligayahan ang mamutawi. Minsan nyo nang nasabi na siya lang ang makakapili kung gusto n’ya lumigaya o sa kalungkutan manatili. Anong gagawin ng isang taong umaasa sa mga ipinangako ngayong kaarawan nya? Patuloy bang maghihintay na maalala ng iba o tatanggapin nalang na ito ay nakalimutan na. Masisisi nyo ba sya kung sa mga nangyari ay madismaya? Patuloy nyo bang iisipin na sya ay nagdadrama? Inisip nyo ba ang maaring nararamdaman niya? Kung anong nararamdaman ng isang taong walang hiniling, pero pinaasa? Matagal din nyang inabangan ang pagdating nitong araw na dalawampu’t isang taon nang sa mundo gumagalaw. Madaming pangyayari ang inakalang magaganap kaya naman kahit mga anino nito, pilit nyang hinanap. Kung sila’y walang binitawang mga mapalabok na salita. disinsanay di s’ya patuloy na umasa at nagmukhang tanga Kaya naman ngayong kaarawan, naglaho ang ligaya kanya lamang sinayang, pagkakataong sumaya.

Sunday, August 3, 2008

ang hikbi ng isang basahan...

mula sa taas ng bunton ng gamit na pinagpatungan,
pinagmasdan ko ang apoy na may halong takot at paghanga.
ang init ng mga baga ay kumikitil sa pag-asa,
habang ang pagsayaw ng dilaw at pula ay tunay na matalinhaga.
muli, ang panahong nagdaan sa alaala ay dumagsa.
ang kaawa-awang basahan, naalala ang dating kalagayan.

sariwa pa sa aking isipan ng una mo akong nakita.
isang damit na asul, sa palengke ibinebenta.
tanda ko pa ang nakitang kislap sa iyong mga mata
at ang pagmamakaawang ginawa sa nagmamatigas na ina.
araw-araw mo akong isinuot at halos ayaw ipalaba,
at ako'y ipinagmahili mo sa mga kalaro at kaeskwela.

ngunit tulad ng alam ng lahat, mga tao mabilis magsawa.
maaaring paborito ka ngayon, ngunit limot na sa makalawa.
kapag ikaw ay napagsawaan at nagamit na
ipagpapalit nalang sa bagao na parang walang kwenta.
kaya sa matagal na panahon, sa aparador ako tumira,
katabi ang damit pang-abay at mga lumang kurtina.

kaya noong araw na muli mo akong kinuha,
labis na ikinatuwa ang pawang panibagong pag-asa.
ngunit ang mapait na katotohanan sa aki'y bumulaga.
kailangan mo lang pala ng pamunas sa naputikang mga paa.
mula noon, ang dating kay gara, isa nang basahan.
ngunit masaya pa din dahil ako'y kinakailangan.

dumating na ang panahon na tadtad na ng butas at mantsa,
at kahit makita lang, pinangdidirihan mo na.
kaya ito ang sinapit, nasa patas ng basura.
hinihintay nalang na ako sa apoy ay isugba.
bakit nga naman ganun nalang ang madla.
matapos kang gamitin at pagsawaan, ipagpapalit nalang sa iba...