Monday, December 15, 2008

isang anino

ISANG ANINO

kapag ikaw, sa mudong ginagalawan, ay nagugulumihanan,
na parang ang liwanag ay unti-unting nagpapaalam.
ako, na isang anino, ay handang tumulong at umagapay.
mananatili sa tabi mo, handang gumabay at umalalay.

sa bawat ngiti at halkhak na sayo ay mamumutawi,
tunay na galak at ligaya ang aking pagbati.
sa bawat tagumpay ng adhikain na iyong makakamit,
kasabay mong ipagdiriwang ang pawang swerteng sinapit.
sa bawat luha na guguhit sa maamo mong mukha,
ramdam ko ang mainit na pagpatak; kasabay mo akong lumuluha.
at sa bawat bulong mo at daing na sa mundo inililihim,
ako ay makikinig, tutulong at tunay kang uunawain.

kapag ramdam ko na ang dilim sa iyo ay papalapit,
ipagtatanggol ka sa lamig na hatid ng kagiliman.
ikaw ay poprotektahan at yayakapin ng mahigpit.
wala man akong sariling tinig na babasag sa katahimikan
o maging likhang musikang pupukaw sa damdamin,
gagawin nitong anino ang iyong ngiti ay panumbalikin.
sapagkat ang makita kang malungkot ay tunay ngang hapis
at ang malugmok ka dito ni minsan, para sayo, ay di ninais.

subalit alam kong darating ang panahon na liwanag muli mong masisilayan.
at ako na isang anino ay mawawala sa iyong kamalayan.
sa pagbalik ng liwanag ay ang pagsakop sa dilim.
kaalinsabay ang pagtaboy sa aninong puno ng lihim.

ganun pa man, tanggap na ang tunay kong sasapitin
sapagkat, sa kaligayahan mo, mapapayapa din ang aking isipin.
bagamat ang anino ay di na makikita ng iyong mga mata.
di mo man madama, asahan mo na laging nadyan siya handang sumuporta.

* still missing four more lines....

Monday, December 1, 2008

pasasalamat sa isang kaibigan

salamat, kaibigan, sa mga tulong mong ibinigay.
salamat at ikaw ay naging bahagi ng aking buhay.
nawa sa pamamagitan ng mga tinahing mga salita,
itong tulang pasasalamat ay iyong ikatuwa.
sa mga panahon na ang mundo ko ay balot ng dilim,
ang aking mga pasanin, sayo ay 'di naging lihim.
mahinahon mong pinakinggan ang aking mga daing,
at matiyagang, nagbigay payo at habilin.
marahan mong pinunasan ang mga 'di makitang luha.
mga luhang ikinubli sa likod ng seryosong mukha.
sa kabila ng mga problema, nagawa mo akong mapangiti,
at pinilit mong kaligayahan, sa akin ay maibahagi.
salamat kaibigan sa orasna sa akin inilaan.
salamat ang ang tinig ko'y iyong pinakinggan.
bagamat malayo, ika'y naging matatag na sandalan ko.
binigyan ng panibagong lakas ng saproblema ay 'di sumuko.
ngayon bilang pagkilala sa isang tunay na kaibigan,
patulang sasambitin ang pangakong bibitiwan.
tulad ng mga ginawa mo, ako din ay maaasahan.
nandito lang ako, handa kang tulungan.
kailangan mo man o hindi ang tulong ko,
lagi mong tatandaan, nandito lang ako para sayo.

Friday, November 7, 2008

ephipany of two saints

beneath the starless sky, i stared at the half-faced moon.
 i began to wonder what should be my next move. 
should i follow my heart, longing and confused? 
should i comply with my head, rational yet skewed? could the answers be with the stars hidden behind clouds, 
or with the other lunar half, which is under a shroud? 
as the mesmerizing rain falls, i thought all will be revealed. 
that the rain will then wash all my confusion and fears.
  rather it muddled everything and further concealed. 
it hampered my once firm stance to a wavering defeat.
 i saw images of myself reflected in puddles of mud, 
different from each other, yet distinctly me. which of 
these faces showcases the real me? w
ones are mere illusions of who they want me to be? 
for with the light of the moon, we put on our masks, t
parade our facades, until the arrival of dusk. 
who is more important, the wearer or the mask? 
and who will dictate this? a thinking limited by a box? 
should i choose to act or should i opt to hide?
 must i tell the truth or continue to live the lie? 
answers to which will only come from within. 
the question now is, are you ready and willing?

Sunday, August 10, 2008

sinayang na kaarawan...

 silbi ng mga binitawang salita? Anong saysay ng mga pangakong pinagkatiwala? “Madaling sabihin, mahirap gawin”, ayon sa talinhaga kaya tulad padin ng dati, paghihintay nagbunga sa wala. Ang kaawaawang bata, nilunod ang diwa sa luha. Habang patuloy naghintay, inabot hanggang umaga. Dahil noo’y kanyang kaarawan, pilit paring umasa na ang mga taong nangako, nawa ay makaalala. Kinausap na s’ya ng mga taong malapit sa kanyang puso. Patuloy na pinayuhan na sa buhay ay huwag susuko. Pinayuhang huwag masyadong dibdibin mga pangakong napaso. Aniya’y mga ito’y mula sa mga walang kwentang tao. Siya naman ay nakinig at tinanggap ang mga payo, pero para mga ito ay ‘di ispin, yan ay ‘di pa n’ya maipapangako. Maaring kayo’y nagalit sa mga sagot n’yang may sarkastikong tono Maaring kanilang napagtanto, na ang henyo isa din palang bobo. Paano n’ya makikita ang liwanag na inyong sinasabi kung ang kanyang mundo sa dilim ay nakakubli. ‘Wag nyong isipin na sa kalungkutan n’ya ninais mamalagi Dahil kahit anong tanggi, minsan din n’yang ninais ngumiti. Minsan din siyang nangarap na mga suliranin ay mapawi, Magkaroon ng pagkakataon na tanging kaligayahan ang mamutawi. Minsan nyo nang nasabi na siya lang ang makakapili kung gusto n’ya lumigaya o sa kalungkutan manatili. Anong gagawin ng isang taong umaasa sa mga ipinangako ngayong kaarawan nya? Patuloy bang maghihintay na maalala ng iba o tatanggapin nalang na ito ay nakalimutan na. Masisisi nyo ba sya kung sa mga nangyari ay madismaya? Patuloy nyo bang iisipin na sya ay nagdadrama? Inisip nyo ba ang maaring nararamdaman niya? Kung anong nararamdaman ng isang taong walang hiniling, pero pinaasa? Matagal din nyang inabangan ang pagdating nitong araw na dalawampu’t isang taon nang sa mundo gumagalaw. Madaming pangyayari ang inakalang magaganap kaya naman kahit mga anino nito, pilit nyang hinanap. Kung sila’y walang binitawang mga mapalabok na salita. disinsanay di s’ya patuloy na umasa at nagmukhang tanga Kaya naman ngayong kaarawan, naglaho ang ligaya kanya lamang sinayang, pagkakataong sumaya.

Sunday, August 3, 2008

ang hikbi ng isang basahan...

mula sa taas ng bunton ng gamit na pinagpatungan,
pinagmasdan ko ang apoy na may halong takot at paghanga.
ang init ng mga baga ay kumikitil sa pag-asa,
habang ang pagsayaw ng dilaw at pula ay tunay na matalinhaga.
muli, ang panahong nagdaan sa alaala ay dumagsa.
ang kaawa-awang basahan, naalala ang dating kalagayan.

sariwa pa sa aking isipan ng una mo akong nakita.
isang damit na asul, sa palengke ibinebenta.
tanda ko pa ang nakitang kislap sa iyong mga mata
at ang pagmamakaawang ginawa sa nagmamatigas na ina.
araw-araw mo akong isinuot at halos ayaw ipalaba,
at ako'y ipinagmahili mo sa mga kalaro at kaeskwela.

ngunit tulad ng alam ng lahat, mga tao mabilis magsawa.
maaaring paborito ka ngayon, ngunit limot na sa makalawa.
kapag ikaw ay napagsawaan at nagamit na
ipagpapalit nalang sa bagao na parang walang kwenta.
kaya sa matagal na panahon, sa aparador ako tumira,
katabi ang damit pang-abay at mga lumang kurtina.

kaya noong araw na muli mo akong kinuha,
labis na ikinatuwa ang pawang panibagong pag-asa.
ngunit ang mapait na katotohanan sa aki'y bumulaga.
kailangan mo lang pala ng pamunas sa naputikang mga paa.
mula noon, ang dating kay gara, isa nang basahan.
ngunit masaya pa din dahil ako'y kinakailangan.

dumating na ang panahon na tadtad na ng butas at mantsa,
at kahit makita lang, pinangdidirihan mo na.
kaya ito ang sinapit, nasa patas ng basura.
hinihintay nalang na ako sa apoy ay isugba.
bakit nga naman ganun nalang ang madla.
matapos kang gamitin at pagsawaan, ipagpapalit nalang sa iba...

Saturday, July 12, 2008

ang huling liham...


isa, dal'wa, tatlo... bawat minutong naalabi, binilang ko. pinagmamasdan ang paggalaw ng mga kamay ng orasan. pinilit pakinggan ang mga tinig sa kawalan. patuloy na umaasang may darating bago ako lumisan. tatlo, apat, lima... mga multo ng nakalipas bigla kong naalala. 'di ko napigilan ang pagluha ng mga mata. ang sarili, sa salamin, ay aking nakita. isang taong palalo, minsan nang pinaasa, minsan nang kinalimutan at iniwang mag-isa.

lima, anim pito... nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso. bagamat may kaba at takot, pinilit kong tumayo. minsan pang sa liwanag ay ngumiti, bago sinarhan ang pinto. sa malamig na sahig, ako'y biglang napaupo. at sa pagbagsak ng bakal sa semento, sumandal sa pinto. pito, walo, siyam... ramdam ko ang yabag sa likod ng sinasandalan, rinig ko ang mga sigaw, ngunit di ko maunawaan. dumating ang hinihintay, ngunit huli na para pigilan. makakamit na din ang minsang hinangad na katahimikan, wala na ang sakit, wala nang nararamdaman. siyam at sampu... sana'y inyong maunawaan na ito'y aking kagustuhan. ngayun lang , sa buhay ko, inisip sariling kaligayahan. di ko na kailangan ipaliwanag ang aking sarili, ninais ko lang makawala sa kalungkutang kumukubli. at kahit wala ako, patuloy ang pag-ikot ng mundo.

Saturday, June 14, 2008

KATAHIMIKAN

KATAHIMIKAN 

  Katahimikan, ang natitira kong kaibigan. 
Siya na alam ang suliranin kong pasan. 
Nakikinig sa bawat sinasambit na salita,
kasabay ng patuloy na pagpatak ng mga luha. 
Siya na laging nandiyan para dumamay. 
Kaya pagsapit ng gabi ay laging hinihintay. 
Katahimikan, sa bawat salita na binigkas, 
tunay na pakikinig ang sa akin ipinamalas. 
At sa bawat luha ng alaalang nakalipas,
ikinubli ng dilim ang nawawalang lakas. 
Kasabay ng paglubog ng dakilang araw 
ang pagbalot ng dilim sa sanlibutan, 
at hudyat ng hinihintay na katahimikan.
Siya na saksi sa pilit tinatagong kahinaan,
ng isang bata na bilanggo ng nakaraan.
Patuloy na nakikinig at nagmamasid 
kumakalinga na parang tunay na kapatid. 
Katahimikan, ang natatangi kong kaibigan. 
Ang kaibigan na kahit kalian ‘di ako iniwan.

THANK you...

SALAMAT Isa, Dal’wa, Tatlo Nararamdaman mabilis na pagtibok ng puso. Mga butil ng pawis, sa likod ay tumatawid. Habang ang mga mata sa kawalan nakamasid. Tatlo, Apat, Lima… Mga pangarap noong bata biglang naalala. Ang hinagpis ng kahapon nag-ambang bumalik, sapagkat mga pangarap, kabiguan ang sinapit. Lima, Anim, Pito… Sa mundo ng kawalan ay napilitang sumuko. Ang panandaliang kirot unti-unting nawala, ngunit ‘di napigilan, pagpatak ng mga luha. Pito, Walo, Siyam… Bagamat kalayaan malapit na makamptan, kalungkutan nadadama sa pagpikit ng mata. Ang palaging nakikita ay paglisang mag-isa. Siyam at Sampu… Ako na isang bata sa lipon ng mga pulo, sa masalimuot na mundo , pangarap nagbago. Bagamat kalungkutan ang pinilit kong makita, salamat sa mga nagsikap ako’y mapasaya.

sa dilim...

SA DILIM
Sa dilim tunay na tinamasa, ang kalayaang inaasam n’ya Ligtas sa mapanuring mga mata, at sa mga utak na mapanghusga. Sa dilim ibinulong ang problema. Pinakita ang tinatagong luha. Ang mga bagay-bagay na minsan humadlang, sa kadiliman ang mga pangil wala. Sa dilim, pantay-pantay ang mga nilalang. Sa yaman at ganda ay walang nakalalamang. Balewala ang yamang ninakaw sa bayan Liwanag ‘di mabibili ng kayamanan Sa dilim nilamon mga kapintasan. Ikinubli sa mata ang baho ng lipunan. Itinago ang ginawang kasakiman, ng tao sa mapagbigay nating kalikasan. Sa dilim nakamit ang kapayapaan, sa mga bagay na walang kabuluhan Sa dilim inihinga mga problema na di magawa sa mundong mapanghusga Sa dilim natamo na ang katarungan mula sa kamay na umapi sa bayan. Sa dilim kapangitan ay s’yang binura ang kapintasang sa paligid ginawa.

PAYASO {clown}

PAYASO Nakakita ako ng isang payaso. Nakatayo sa sulok dala ay palaso. Pinapatawa bawat batang nagdadaan, pati matatanda ay pinapatulan. Ngunit sa mukhang pintado aking nakita, na parang sa salamin ako nakatanga, aking sarili di maiwasang maikumpara sa payasong kinatatakutan at kinukutya. Sa loob ng malalaking n’yang kasuotan, Nakakubli ang maliit na katawan. Pilit nagtatago sa mata ng madla, Takot na ang paghanga biglang tumila Pinilit pasiyahin ang mga umaasa. Kahit sa ginagawa ay nagmumukhang tanga. Sa likod ng koloreteng nakapahid sa mukha, ay nakatago ang luha na ikinahihiya Di mabatid kung makakaramdam ng awa Sa payaso na sa init ay nag titiyaga. O dapat ba na tunay na paghanga sa taong iniisip, imbis na sarili ay iba

PAG-ASA ng BAYAN

PAG-ASA NG BAYAN Nabangit na noon ang bagong henerasyon Ang magtataguyod sa nasadlak na nasyon. Ngunit paano pa maibabangon ang bansang ito Kung ang kabataan ay walang tulong na natatamo. Parang pulubi mga kabataan ngayon. Hangad nalang ba maayos na edukasyon? Perang nakalaan, ipinasok sa sisidlan. siningil sa tao na baon sa kahirapan. Mga guro ng bayan tuluyang pinabayaan Ng gobyernong atin, kaya napilitang lumisan. Mga gamit pang eskwela na dapat ay ibigay Napunta sa mga luho, sa mahal na pangtagay. Ang mga nagsisikap baguhin ang nakasanayan binansagang kaaway at pilit pinahirapan. Kaya ano na ba ang tinatawag na pag-asa Ng ating bansa nabulag na sa katotohanan. Pilit bang mananahimik, manonood na lamang Panahon na para mga mata ay imulat muli. Ang malayang pagtanggap sa pangaapi ay iwaksi. Bigyan muli ng buhay ang bayang nasawi. Pag-asa ng bayan, kayo ay magpunyagi.

CRY OF THE PHOENIX

CRY OF THE PHOENIX 
 Once in a legend was a bird so great. Majestic he was, only one in the world. For 500 years, he flew across the skies, Glorious and noble, so full of life. A creature born to the element of fire, Whose characters were everyone’s desire. Strength, power, dignity so renowned. A child born to the season ruled by the sun Given the same name, unusual for man. Compared to his namesake, he’s a miss. Though hopeless he was, ambition was his “As the king of the birds soared through the skies, does that also mean that so must I? Ambitions so high, I cannot deny. Expected by many, to fail is to die.” And now to live up to the legacy of his name, he must learn to be valiant and brave. Even if it means changing his dreams In order to do what’s expected from him. 

ANG PAGTANGIS NG ISANG IBON 
Mahiwagang ibon sa alamat nanirahan 
Nag-iisa sa mundo, tunay na hinangaan. Pumailanglang sa langit, minasdan sang katauhan. Himapapawid pinagharian, puno ng karangalan. Sa elementong apoy, s’ya pinagkaloob Dangal, lakas at talino, Katangian ninasa, hinangad ng tao. Isang bata pinanganak sa buwan ng tag-araw. Binigyan ng pangalan, kaiba sa karamihan. Katangian ng bata, kaiba sa pinagmulan Kaawaawa mang kalagayan, pangarap abo’t-tanaw. “Tulad ng ibong mahiwaga sa tugatok ng tagumpay, ako din bang isang hangal, kailangang pumantay? Pangarap na mataas, inaasahan ng lahat. Kamatayan katumbas kung pangrap magwakas.” Kinakailangang maging matibay, matatag. Upang ang mga ekspektasyon ay huwag mabuwag. Para matupad ang pangarap iniatang sa kanya kahit kailangang, sariling adhika matutunang itatwa

a letter for my mom

LIHAM SA ISANG INA 
  Mula ng ako ay isinilang sa mundo 
Tanging mga kamay mo ang nagging gabay ko Panahong lumipas, panahong sinayang
Dumaan ang panahon ika’y ‘di iginalang
‘di inintindi ang paying binitawan 
Inisip lamang ang sariling kapakanan
Inubos ang panahon sa sariling kagustuhan Tinalikuran responsibilidad na tulungan. 
Ngayon sayo ay humihingi ng kapatawaran
Sa mga nagwang di dapat at kapalaluan. 
Sa mga naidulot na pasakit at hirap 
Sa bawat patak ng luha at dusang tinangap 
Tanging maibibigay ay pangakong taos 
Pamilyang ito ay aalagang lubos.
Mga responsibilidad na sa akin ipinagkatiwala 
Ang katuparan ng mga ito ‘wag mo sana ipangamba. Gagawin ko lahat ng aking makakaya 
Maipakita lang ang pagmamahal sa ina.

written on my 20th bday

DALAWANG DEKADA

Dalawang dekada na ang nakalipas 
ng isang bata sa mundo ay lumabas. 
Tanging tuwa mula sa ina ay nadama 
Ngunit di maulirat ang nadama ng ama. 
Nalaman nalang ng batang musmos 
Na ang mundong ito’y dumadaan sa unos. 
Ang dating inosente biglang namulat sa mundo 
Nakita ang pinagbago ng nakapaligid na tao. 
Dalawang dekada na ang nagdaan 
Ng ang musmos ay unang isinilang. 
Napilitang suungin ang hirap ng buhay. 
Matulungan lang ang inang gumabay. 
Sa loob ng dalawang dekada na nagdaan, 
Ilang tao na din ang biglang lumisan.
Dalawang dekada ginugol magisa 
Pilit itinago ang pangungulila sa iba.

Ang Hindi Nila Alam

ANG HINDI NILA ALAM

Maraming bagay silang hindi alam 
sa taong nasakanilang harapan.
Mababakas sa mukha ang ngiti at saya.
Ngunit nakikita ba ang mga luha n’ya? 
Sa bawat buka ng bibig at tawang naririnig,
umaalingawngaw ba ang s’yang pinigil ng bibig? 
Sa bawat payo at yakap na ibinigay sa iyo 
naisip mo ba na s’yang may kailangan nito? 
Sa bawat luha na marahang pinunasan ng panyo,
ang sariling pagtangis naging lingid sa inyo. 
  Ang hindi nila alam ang sariling mga multo 
ay sapat na para ako ay masiraan ng ulo.
Ngunit sa kadahilanang ‘di ko masambit,
mananatiling lihim ang dalang pasakit.