Tuesday, June 30, 2020

Pagsumamo

Nais kong muling marinig ang iyong tinig
habang ang pangalan ko ay sinasambit.
Minsan pang pag hawakin ang mga kamay
at sa himig ng ating pag ibig ay sumayaw.
Muling maramdaman ang yakap na mahigpit
habang sabay ang puso natin sa pag pintig
May mga pagsubok man sa daan ay humadlang
kahit ano pa ay kaya nating pagtagumpayan.
Kung ano man ang mga naging pag kukulang
magkasama, kaya natin tong pagtulungan.
Ating kalimutan ang masasakit na pangyayari
at ating unti unting itama ang mga pagkakamali.
Kung hindi man natin kayang ibalik and dati,
ating bigyan ng pagkakataong makapagsimula muli.
At sa panahong tayo ay mag babaliktanaw,
ang alalahanin natin ang masasayang araw.

Minahal kita simula pa ng una.
Hindi ito nagbago, bagkus lumalim pa.
Ang tanging pakiusap ko ngayon,
kung ano man ang meron tayo, mabigyan pa ng pagkakataon.

No comments: