hidden behind the mask of anonymity, i can expose myself without the fear of being hurt...
Sunday, August 10, 2008
sinayang na kaarawan...
Sunday, August 3, 2008
ang hikbi ng isang basahan...
pinagmasdan ko ang apoy na may halong takot at paghanga.
ang init ng mga baga ay kumikitil sa pag-asa,
habang ang pagsayaw ng dilaw at pula ay tunay na matalinhaga.
muli, ang panahong nagdaan sa alaala ay dumagsa.
ang kaawa-awang basahan, naalala ang dating kalagayan.
sariwa pa sa aking isipan ng una mo akong nakita.
isang damit na asul, sa palengke ibinebenta.
tanda ko pa ang nakitang kislap sa iyong mga mata
at ang pagmamakaawang ginawa sa nagmamatigas na ina.
araw-araw mo akong isinuot at halos ayaw ipalaba,
at ako'y ipinagmahili mo sa mga kalaro at kaeskwela.
ngunit tulad ng alam ng lahat, mga tao mabilis magsawa.
maaaring paborito ka ngayon, ngunit limot na sa makalawa.
kapag ikaw ay napagsawaan at nagamit na
ipagpapalit nalang sa bagao na parang walang kwenta.
kaya sa matagal na panahon, sa aparador ako tumira,
katabi ang damit pang-abay at mga lumang kurtina.
kaya noong araw na muli mo akong kinuha,
labis na ikinatuwa ang pawang panibagong pag-asa.
ngunit ang mapait na katotohanan sa aki'y bumulaga.
kailangan mo lang pala ng pamunas sa naputikang mga paa.
mula noon, ang dating kay gara, isa nang basahan.
ngunit masaya pa din dahil ako'y kinakailangan.
dumating na ang panahon na tadtad na ng butas at mantsa,
at kahit makita lang, pinangdidirihan mo na.
kaya ito ang sinapit, nasa patas ng basura.
hinihintay nalang na ako sa apoy ay isugba.
bakit nga naman ganun nalang ang madla.
matapos kang gamitin at pagsawaan, ipagpapalit nalang sa iba...
Saturday, July 12, 2008
ang huling liham...
isa, dal'wa, tatlo... bawat minutong naalabi, binilang ko. pinagmamasdan ang paggalaw ng mga kamay ng orasan. pinilit pakinggan ang mga tinig sa kawalan. patuloy na umaasang may darating bago ako lumisan. tatlo, apat, lima... mga multo ng nakalipas bigla kong naalala. 'di ko napigilan ang pagluha ng mga mata. ang sarili, sa salamin, ay aking nakita. isang taong palalo, minsan nang pinaasa, minsan nang kinalimutan at iniwang mag-isa.
lima, anim pito... nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso. bagamat may kaba at takot, pinilit kong tumayo. minsan pang sa liwanag ay ngumiti, bago sinarhan ang pinto. sa malamig na sahig, ako'y biglang napaupo. at sa pagbagsak ng bakal sa semento, sumandal sa pinto. pito, walo, siyam... ramdam ko ang yabag sa likod ng sinasandalan, rinig ko ang mga sigaw, ngunit di ko maunawaan. dumating ang hinihintay, ngunit huli na para pigilan. makakamit na din ang minsang hinangad na katahimikan, wala na ang sakit, wala nang nararamdaman. siyam at sampu... sana'y inyong maunawaan na ito'y aking kagustuhan. ngayun lang , sa buhay ko, inisip sariling kaligayahan. di ko na kailangan ipaliwanag ang aking sarili, ninais ko lang makawala sa kalungkutang kumukubli. at kahit wala ako, patuloy ang pag-ikot ng mundo.