Sunday, October 17, 2010

CORBY ^__^

CORBY

* this is not the normal genre i dabble with.
*written @ boston cafe


minsan sa mundo kong madilim may dumamping liwanag.
binigyang pag-asa ang taong malapit nang mabuwag.
sa matagal na panahon, noon lang naipahinga,
ang isip na pagod at pusong dinusta.
tila iyong pinawi ang mga multong sa akin gumapi
mga problemang sa aking kamalayan piniling mamalagi.
sa piling mo muling naaninag maiilap kong mga ngiti.
mga pagtawang parang bata ay muling namutawi.
labis kong ikinatuwa ang nadamang pagkalinga
na parang idang batang matagal ng nangungulila
para sa taong sa kanya ay mag aaruga,
at sa taong tatapos ng kalungkutang nadarama.
aking pinagpapasalamat na ika'y parte ng aking buhay.
salamat sa pagunawa sa akin at ginawang pagsubaybay.
tinitiis sariling pagod para lang ako ay mahintay,
maging sa aking pagtulog ikaw ang nagbabantay.
hindi mo ako iniwan sa kabila ng lahat
at dahil sayo, puso ko ay muling namulat.
binigyan mo ako ng dahilan na sa mundo muling humarap
at ikaw ang nakikita ko sa masayang hinaharap.
palagi mong tatandaan na anuman ang mangyari
sa loob ng puso ko ika'y habang buhay mananatili.
at kung hihingin ng pagkakataon, landas natin magkalayo,
mananatiling nasa kamay mo ang aking puso...



*and just a note, I got my CORBY back :">

The Haunted

the haunted

I wish I could take it all.
The tears; the pain; the sorrow.
I wish I could make you forget;
that i can undo my mistakes.
No amount of apologies
or tears that were shed
could right what I've done,
for the pain I've inflicted.

After a few lunar cycles
I would bid you farewell.
It will be time for me to fly;
for me to face my fire.
I will brighten your night sky.
Hopefully the passing time
will vanquish my gruesome memory,
and restore the tranquility of your mind.

For no longer i would want
you, with the past, be cognizant.
only I should be shackled
with the horrors I've committed.
But before that time comes,
you must curse my existence.
Abhor every fiber of my being
for towards myself, that's what I'm feeling...

to ruffle some feathers

beneath the somber glow of the hiding moon
and the lonesome seranade of the howling wind
i stared at the vastness of the empty space
the void that was made when you left

with every moment that passes by
all i could see are the tears in your eyes
still i cannot forget the pain i have caused
to that once jovial heart of yours that i broke

no matter how much pain i endure
still i cannot fathom the hurt you feel
and behind the required smile that i put forth
no one will see the distraught soul that is me.

i pray only that you be happy
to find someone who desereves you more than me
for no longer should i be allowed to feel thy care
not even the tiniest morsel, i should be spared.

even the happiest memories we have shared
conjure the tears that i have kept hidden
for i know i will never feel that way again
for i have lost my chance to hold your heart

every night i ask for the elusive slumber
not to rest my weary soul but to remember
to be able to imagine your smile that i havent seen
and to hear your laughter that i havent heard since

but as justice would have it i still was deprived
for only the haunting ghost visits me at night
waking me every chance it gets
reminding me that i should never forget

so badly do i wish that someday i could call you mine
to return to those happy moments of a forgotten time
but as i would know no wishes comes true
for a person so evil other than to be rued...

Sunday, May 10, 2009

isang pagpupugay

Mahigit isang dekada na din ang nakaraan
ng ang paglisan ang naging tanging paraan,
para mabigyang lunas ang nagaambang kahirapan.
Sariling pangangailangan dagliang kinalimutan,
isinangtabi ang pansariling pangarap at kagustuhan
upang responsibilidad na itaguyod ang pamilya ay mapunan
kahit ang naging kapalit ay pawang kalungkutan.
Tiniis na malayo sa mga mahal sa buhay.
Hinarap ang lungkot ng walang kaagapay
habang ngiti, sa mga anak, ay patuloyn a ipinakita.
mabibigat na poblema ikinubli at pinasang mag-isa,
inilihim sa mga anak ng sila ay di na mamroblema.
Maraming kaganapan sa kanilang buhay ang hindi nasaksihan.
Isinakripisyo nadin niya maging sariling kalusugan.
Upang mga pangarap para sa mga anak ay maisakatuparan
at mabigyan sila ng magandang kinabukasan.
Ngunit sa kabila ng lahat ng sakripisyong isinaalang-alang,
dumating ang panahon, ang mga anak, hindi s'ya iginalang.
Kanilang nakalimutan na para sa kanila ang ginawang paglisan.
Tanging inisip nila sila ay kinalimutan.
Dahil sa pagiging makasarili, inisip sila ay pinabayaan.
Labis na sakit ang idinulot nito sa kaniya
na naging dahilan ng mga luhang di apigil sa pagpatak.
Ngunit pagunawa at pagmamahal parin ang ipinadama sa kanila.
Umasa nalang na mauunawaan din ng mga anak.

.....

" Sa mga nagdaang panahon na aming naaalala
iyo pong mga kamay ang saamin nagalaga.
Hindi lamang kayo naging ilaw na sa amin ay gumagabay
kayo din ang mga kamay na sa amin ay bumuhay.

Maaaring ikaw po ay hindi malapit sa aming tabi
ngunit dama po namin ang iyong pagmamahal na labis.
Sa mga nagawa naming pagkukulang at pagkakamali
na inyong buong puso na inunawa at inintindi,
humihingi po kami ng taos pusong paumanhin
sa mga sama ng loob na kami ang naging sanhi.
Ipagpatawad mo din po ang mga naging pagsuway,
mga pasigaw na boses at nakataas na kilay.
Gusto po namin na inyong malaman,
na ang mga nangyari ay aming nauunawaan.
Hindi po namin isinisisi sa inyo ang nakaraan
bagkus kami'y nagpapasalamat sa magandang kinabukasan.
Inyo pong tandaan na ni minsan kayo ay di nagkulang.
Kaya wag nyong isipin na kayo ay di naging mabuting magulang.
Panahon na para po kami sa inyo ang mag alaga.
Ipagtatangol sa mga nagiisip na gumawa ng masama.
Mga pangarap n'yo para sa amin ay aming tutuparin
para mga ngiti sa inyo ay makarating.
Maaring hindi madalas naming nasasambit
na mahal namin ang MOMMY naming mabait.
Bagama't di po naririnig sa pamamagitan ng aming mga tinig
hindi kahulugan nito na kami, para sa inyo, ay wlang pag-ibig.
Ikaw po ang aming ina na may pusong malaki,
na sa buong mundo aming ipinagmamalaki.
Mahal na mahal ka po ng tatlo mong anak."

Monday, December 15, 2008

isang anino

ISANG ANINO

kapag ikaw, sa mudong ginagalawan, ay nagugulumihanan,
na parang ang liwanag ay unti-unting nagpapaalam.
ako, na isang anino, ay handang tumulong at umagapay.
mananatili sa tabi mo, handang gumabay at umalalay.

sa bawat ngiti at halkhak na sayo ay mamumutawi,
tunay na galak at ligaya ang aking pagbati.
sa bawat tagumpay ng adhikain na iyong makakamit,
kasabay mong ipagdiriwang ang pawang swerteng sinapit.
sa bawat luha na guguhit sa maamo mong mukha,
ramdam ko ang mainit na pagpatak; kasabay mo akong lumuluha.
at sa bawat bulong mo at daing na sa mundo inililihim,
ako ay makikinig, tutulong at tunay kang uunawain.

kapag ramdam ko na ang dilim sa iyo ay papalapit,
ipagtatanggol ka sa lamig na hatid ng kagiliman.
ikaw ay poprotektahan at yayakapin ng mahigpit.
wala man akong sariling tinig na babasag sa katahimikan
o maging likhang musikang pupukaw sa damdamin,
gagawin nitong anino ang iyong ngiti ay panumbalikin.
sapagkat ang makita kang malungkot ay tunay ngang hapis
at ang malugmok ka dito ni minsan, para sayo, ay di ninais.

subalit alam kong darating ang panahon na liwanag muli mong masisilayan.
at ako na isang anino ay mawawala sa iyong kamalayan.
sa pagbalik ng liwanag ay ang pagsakop sa dilim.
kaalinsabay ang pagtaboy sa aninong puno ng lihim.

ganun pa man, tanggap na ang tunay kong sasapitin
sapagkat, sa kaligayahan mo, mapapayapa din ang aking isipin.
bagamat ang anino ay di na makikita ng iyong mga mata.
di mo man madama, asahan mo na laging nadyan siya handang sumuporta.

* still missing four more lines....

Monday, December 1, 2008

pasasalamat sa isang kaibigan

salamat, kaibigan, sa mga tulong mong ibinigay.
salamat at ikaw ay naging bahagi ng aking buhay.
nawa sa pamamagitan ng mga tinahing mga salita,
itong tulang pasasalamat ay iyong ikatuwa.
sa mga panahon na ang mundo ko ay balot ng dilim,
ang aking mga pasanin, sayo ay 'di naging lihim.
mahinahon mong pinakinggan ang aking mga daing,
at matiyagang, nagbigay payo at habilin.
marahan mong pinunasan ang mga 'di makitang luha.
mga luhang ikinubli sa likod ng seryosong mukha.
sa kabila ng mga problema, nagawa mo akong mapangiti,
at pinilit mong kaligayahan, sa akin ay maibahagi.
salamat kaibigan sa orasna sa akin inilaan.
salamat ang ang tinig ko'y iyong pinakinggan.
bagamat malayo, ika'y naging matatag na sandalan ko.
binigyan ng panibagong lakas ng saproblema ay 'di sumuko.
ngayon bilang pagkilala sa isang tunay na kaibigan,
patulang sasambitin ang pangakong bibitiwan.
tulad ng mga ginawa mo, ako din ay maaasahan.
nandito lang ako, handa kang tulungan.
kailangan mo man o hindi ang tulong ko,
lagi mong tatandaan, nandito lang ako para sayo.

Friday, November 7, 2008

ephipany of two saints

beneath the starless sky, i stared at the half-faced moon.
 i began to wonder what should be my next move. 
should i follow my heart, longing and confused? 
should i comply with my head, rational yet skewed? could the answers be with the stars hidden behind clouds, 
or with the other lunar half, which is under a shroud? 
as the mesmerizing rain falls, i thought all will be revealed. 
that the rain will then wash all my confusion and fears.
  rather it muddled everything and further concealed. 
it hampered my once firm stance to a wavering defeat.
 i saw images of myself reflected in puddles of mud, 
different from each other, yet distinctly me. which of 
these faces showcases the real me? w
ones are mere illusions of who they want me to be? 
for with the light of the moon, we put on our masks, t
parade our facades, until the arrival of dusk. 
who is more important, the wearer or the mask? 
and who will dictate this? a thinking limited by a box? 
should i choose to act or should i opt to hide?
 must i tell the truth or continue to live the lie? 
answers to which will only come from within. 
the question now is, are you ready and willing?

Sunday, August 10, 2008

sinayang na kaarawan...

 silbi ng mga binitawang salita? Anong saysay ng mga pangakong pinagkatiwala? “Madaling sabihin, mahirap gawin”, ayon sa talinhaga kaya tulad padin ng dati, paghihintay nagbunga sa wala. Ang kaawaawang bata, nilunod ang diwa sa luha. Habang patuloy naghintay, inabot hanggang umaga. Dahil noo’y kanyang kaarawan, pilit paring umasa na ang mga taong nangako, nawa ay makaalala. Kinausap na s’ya ng mga taong malapit sa kanyang puso. Patuloy na pinayuhan na sa buhay ay huwag susuko. Pinayuhang huwag masyadong dibdibin mga pangakong napaso. Aniya’y mga ito’y mula sa mga walang kwentang tao. Siya naman ay nakinig at tinanggap ang mga payo, pero para mga ito ay ‘di ispin, yan ay ‘di pa n’ya maipapangako. Maaring kayo’y nagalit sa mga sagot n’yang may sarkastikong tono Maaring kanilang napagtanto, na ang henyo isa din palang bobo. Paano n’ya makikita ang liwanag na inyong sinasabi kung ang kanyang mundo sa dilim ay nakakubli. ‘Wag nyong isipin na sa kalungkutan n’ya ninais mamalagi Dahil kahit anong tanggi, minsan din n’yang ninais ngumiti. Minsan din siyang nangarap na mga suliranin ay mapawi, Magkaroon ng pagkakataon na tanging kaligayahan ang mamutawi. Minsan nyo nang nasabi na siya lang ang makakapili kung gusto n’ya lumigaya o sa kalungkutan manatili. Anong gagawin ng isang taong umaasa sa mga ipinangako ngayong kaarawan nya? Patuloy bang maghihintay na maalala ng iba o tatanggapin nalang na ito ay nakalimutan na. Masisisi nyo ba sya kung sa mga nangyari ay madismaya? Patuloy nyo bang iisipin na sya ay nagdadrama? Inisip nyo ba ang maaring nararamdaman niya? Kung anong nararamdaman ng isang taong walang hiniling, pero pinaasa? Matagal din nyang inabangan ang pagdating nitong araw na dalawampu’t isang taon nang sa mundo gumagalaw. Madaming pangyayari ang inakalang magaganap kaya naman kahit mga anino nito, pilit nyang hinanap. Kung sila’y walang binitawang mga mapalabok na salita. disinsanay di s’ya patuloy na umasa at nagmukhang tanga Kaya naman ngayong kaarawan, naglaho ang ligaya kanya lamang sinayang, pagkakataong sumaya.

Sunday, August 3, 2008

ang hikbi ng isang basahan...

mula sa taas ng bunton ng gamit na pinagpatungan,
pinagmasdan ko ang apoy na may halong takot at paghanga.
ang init ng mga baga ay kumikitil sa pag-asa,
habang ang pagsayaw ng dilaw at pula ay tunay na matalinhaga.
muli, ang panahong nagdaan sa alaala ay dumagsa.
ang kaawa-awang basahan, naalala ang dating kalagayan.

sariwa pa sa aking isipan ng una mo akong nakita.
isang damit na asul, sa palengke ibinebenta.
tanda ko pa ang nakitang kislap sa iyong mga mata
at ang pagmamakaawang ginawa sa nagmamatigas na ina.
araw-araw mo akong isinuot at halos ayaw ipalaba,
at ako'y ipinagmahili mo sa mga kalaro at kaeskwela.

ngunit tulad ng alam ng lahat, mga tao mabilis magsawa.
maaaring paborito ka ngayon, ngunit limot na sa makalawa.
kapag ikaw ay napagsawaan at nagamit na
ipagpapalit nalang sa bagao na parang walang kwenta.
kaya sa matagal na panahon, sa aparador ako tumira,
katabi ang damit pang-abay at mga lumang kurtina.

kaya noong araw na muli mo akong kinuha,
labis na ikinatuwa ang pawang panibagong pag-asa.
ngunit ang mapait na katotohanan sa aki'y bumulaga.
kailangan mo lang pala ng pamunas sa naputikang mga paa.
mula noon, ang dating kay gara, isa nang basahan.
ngunit masaya pa din dahil ako'y kinakailangan.

dumating na ang panahon na tadtad na ng butas at mantsa,
at kahit makita lang, pinangdidirihan mo na.
kaya ito ang sinapit, nasa patas ng basura.
hinihintay nalang na ako sa apoy ay isugba.
bakit nga naman ganun nalang ang madla.
matapos kang gamitin at pagsawaan, ipagpapalit nalang sa iba...

Saturday, July 12, 2008

ang huling liham...


isa, dal'wa, tatlo... bawat minutong naalabi, binilang ko. pinagmamasdan ang paggalaw ng mga kamay ng orasan. pinilit pakinggan ang mga tinig sa kawalan. patuloy na umaasang may darating bago ako lumisan. tatlo, apat, lima... mga multo ng nakalipas bigla kong naalala. 'di ko napigilan ang pagluha ng mga mata. ang sarili, sa salamin, ay aking nakita. isang taong palalo, minsan nang pinaasa, minsan nang kinalimutan at iniwang mag-isa.

lima, anim pito... nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso. bagamat may kaba at takot, pinilit kong tumayo. minsan pang sa liwanag ay ngumiti, bago sinarhan ang pinto. sa malamig na sahig, ako'y biglang napaupo. at sa pagbagsak ng bakal sa semento, sumandal sa pinto. pito, walo, siyam... ramdam ko ang yabag sa likod ng sinasandalan, rinig ko ang mga sigaw, ngunit di ko maunawaan. dumating ang hinihintay, ngunit huli na para pigilan. makakamit na din ang minsang hinangad na katahimikan, wala na ang sakit, wala nang nararamdaman. siyam at sampu... sana'y inyong maunawaan na ito'y aking kagustuhan. ngayun lang , sa buhay ko, inisip sariling kaligayahan. di ko na kailangan ipaliwanag ang aking sarili, ninais ko lang makawala sa kalungkutang kumukubli. at kahit wala ako, patuloy ang pag-ikot ng mundo.